Ako po si Kent Aian ako po ay lalaki at 15 taong gulang. Ginawa ko po ang blog na to para isulong ang mga maling gawi ng mga tao sa pagtrato sa kahit anong kasarian babae man o lalaki o maging kasapi ng LGBT.
Lumaki po akong mausisa patungkol sa mga pagtrato ng kahit anong kasarian, Lumaki po ako sa isang broken family. Nakita ko mismo kung paano inaabuso ang isang tao at o kung paano nang-aabuso ang tao.
Ang halimbawa nito ay, Una. Pangbubugbog ng lalaki sa kanyang asawa.. Isa ito sa mga karaniwang pang-aabuso na nakikita sa tahanan. Pangalawa. Pag sasabi ng masasakit na bagay or verbal abuse ng babae sa kanyang asawa. Ito ay isa ding karaniwan na naririnig natin sa loob ng tahanan o maging sa ibang lugar.
Ngunit ano nga ba ang dahilan kung bakit nagagawa ng isang tao ang mga bagay na ito? Base sa aking opinyon, Ito ay dahil sa poot ng isang tao dahilan kung bakit sinasabi o ginagawan niya ito.
Nais ko po iparating sa inyo na dapat ay tigilan na ang mga gawi na ito. Laging buksan ang puso at isipan sa kahit anong kasarian ng mga tao. Matuto tayong tumanggap dahil sila ay walang pagkakaiba sa atin, parehas lang tayo lahat ay tao. Lahat tayo ay May karapatang mamuhay ng Mapayapang buhay lalaki man o babae o LGBT.
Sana ay sa lahat ng susunod pang henerasyon ay sana ay unting unti masosolusyunan ang problemang ito.
MGA PARAAN NG PAGTANGGAP AT PAGGALANG SA KAHIT ANONG KASARIAN:
1.) Pagtanggap sa tao kung ano ang kanyang kasarian. 2.) Iwasang manghusga ng iba. 3.) Iwasan ang masasakit na salita o verbal abuse. 4) Matutong makihalubilo sa kanila (babae, lalaki, LGBT). 5.) Iwasan ang physical o verbal na pang-aabuso.
Nawa ay pagkatapos mong basahin ito, Sana ay matuto na tayong tumanggap at gumawa ng mga mabuti para sa lahat.
IPINASA NI: KENT AIAN C. TABUELOG
IPINASA KAY: DONNA M. OBEN
A.P 10
Leave a reply to Kent Aian Cancel reply